Portfolio sa Filipino

Just another WordPress.com weblog

Goal Setting Oktubre 26, 2006

Mabuhay! Salamat sa iyong pagtingin sa aking muntihing portfolio. Sana ay nagustuhan mo ito. Hindi man ako nagkaroon ng sapat na oras para magawa ito ng maayos ay sinubukan ko pa ding gumawa ng kanais-nais tingnan na portfolio. Sa aking paggawa nito, ay nalaman ko na hindi lamang panandalian ang paggawa ng portfolio at nangangailangan ito ng lubos na kaalaman sa iyong ginagawa. Napagtanto ko din na ang portfolio ay hindi lamang ginagawa upang magkaroon ng marka kung hindi para din malaman mo ang iyong mga pagkakamali at maituwid ito. Ginawa ko ito ilang araw bago ang pasahan na nagpapakita ng aking pagiging tamad sa paggawa ng mga proyekto. At sa paggawa ko ng goal setting na ito, lubos ko na iniisip kung papaano ko ito mabubuo ng may dalawampung pangungusap at sa totoo lang ay nahihirapan na ako magtagalog sa punto na ito. Ngunit sa kabila nito, pinipilit ko pa din na matapos ito sapagkat para din ito sa ikabubuti ko. Sa susunod na maatasan kami na gumawa ng portfolio ay maglalaan ako ng maraming oras para maayos ito at magmukhang presentable. Makatutulong din ito sa pag-unlad ko sapagkat gaganahan ako na magtrabaho at mag-aral ng lubusan. Sa puntong ito ay wala na talaga akong maisulat at gusto ko na itong tapusin. Hindi lahat ng mga pangungusap sa goal setting na ito ay may kabuluhan, nagkataon lamang na wala na akong maisulat. Marami pa akong proyekto na hindi nagagawa at gustong-gusto ko nang tapusin ito ngunit di ko magawa sapagkat hindi pa rin ito umaabot ng dalawampung pangungusap. Sa susunod na markahan ay pagbubutihin ko ang aking pag-aaral at pagtutuunan ko ng oras ang paggawa ko ng aking mga artifact para mas lalo itong bumagay sa ginagawa ko na portfolio.

Willow

 

11 Responses to “Goal Setting”

  1. leonard Says:

    ang galing neo gumawa thank’s huh ….

  2. kisten Says:

    can i copy this?

  3. kristyhearts Says:

    pwede po b na kopyahin ko yan?ibahin ko po yung words?😀 thanks po…

  4. lovelii Says:

    wow ang galing nmn hehehe ka2tuwang bsahin ng gawa moh….

  5. joana ello Says:

    thank you very much !! ahe nakagawa din akouh dhiL sa pangongopyia ahahhah =)) aun mamat’s =)

  6. july anne Says:

    galing mo!!!

  7. jenniesmiles Says:

    ehem, nag-iisip ka ba? HAHA ung mga ginawa mong pangungusap ay walang kaugnayan sa goal setting ng iyong portfolio..ngunit may kinalaman ito sa iyong katamaran…marapat lamang na mabigyan ka ng mababang marka dito. HHAHAHAHAHA =)))))

  8. igawa nga po ninyo ako ng intro

  9. portfolio ba ito sa filipino? pagmay makasagot po may ibibigay po ako

  10. mj Says:

    pwede ko po bang kopyahin ung ibang words ? ^_^

    –Thank you:*

  11. mikayyyyy Says:

    isa ba itong panimula ng portfolio


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s