Portfolio sa Filipino

Just another WordPress.com weblog

Artifact #6 Enero 28, 2007

Filed under: Artifact — jioseventeen @ 12:00 hapon

Six

Lyrical Song


Marka: 91

Repleksyon:

Natutuwa ako sapagkat tinulungan ako ng aking kamag-aral sa paggawa nito.  Hindi ako masyadong mahilig sa musika at napaka-limitado ng kaalaman ko tungkol dito.  Hindi ako ganoon kagaling sa pagsulat ng mga kanta kaya’t kinailangan ko ng tulong.  Wala na talaga akong maisip na isulat bilang repleksyon sapagkat ang nakasanayang paraan ay hindi na maaaring gawin. :D

 

Artifact #5

Filed under: Artifact — jioseventeen @ 10:47 umaga

Five

Ang sistemang pulitika sa Asya

Ang mga bansang Asyano ay isinaaayos ang kanilang pamahalaan upang kanilang mapanatili ang kanilang kalayaan.

Ang bawat bansa sa asya ay may iba’t-ibang uri ng pamahalaan.  Ang unang uri ay ang pamahalaan Hapones kung saan ang emperador ay simbolo lamang ng pamahalaan.  Ang diet o batasang pambansa ay binubuo ng mga konsehal.

Sa Republika, ang mga tao ang humahalal sa mga kinatawan na siyang hahalal sa monarka o pangulo.

Ang pamahalaanay nasa kamy ng tao sa demokrasya.  Ang mga tao ang humahalal sa mga kinatawang siyang manunungkulan.

Diktador ang namumuno sa pamahalaang tolitaryanismo at sa kanyang kamay nakasalalay ang kaayusan ng isang bansa.

Ang pamahalaan sosyalista ay nasa ilalim ng isang grupo ng tao lamang.

Ang pamahalaan ay hindi dapat maging hadlang sa pag-unlad at hindi ito dapat maging sanhi ng mga banta sa kapayapaan.


Marka: 85

Repleksyon:

Natutuwa ako sapagkat 85 pa rin ang nakuha kong marka kahit na sa classroom lang namin ito ginawa.  Bagamat  hindi ko naipaliwanag ang iba’t-ibang sistema ng pamahalaan ay mataas pa rin ang marka na nakuha ko. :D

 

Artifact #4

Filed under: Artifact — jioseventeen @ 10:28 umaga

Four

1.  Ang inilibing mo ay ang hindi maglilibing sayo.
    
-> ang mga nadadaanan na pagsubok ay ating nasosolusyunan.  Natututo tayong bumangon at maging maunlad sa anumang gawain pagkatapos nating mapagtagumpayan ang mga problema natin sa buhay.

2.  Nakikilala ang kaibigan sa oras ng kagipitan.
     -> Ang kaibigan ay nariyan kung ikaw ay may kinakailangan o siya ang may kailangan sa iyo. ?

3.  Kapag may isinuksok, may madudukot.
    
-> Kapag ikaw ay nag-ipon, mayroon kang makukuha sa oras ng pangagailangan.

4.  Hindi lahat ng nakangiti ay natutuwa at lahat ng lumuluha ay nalulungkot.
     -> Ang tao ay may kakayahan na itago ang kanyang nararamdaman.  Kung hindi niya nais na ipaalam ang kanyang tunay na nararamdaman ay malaya siyang gawin ito.  Nangangahulugan din ito na hindi dapat tayo humusga ayon sa panlabas na kaanyuan ng tao.

5.  Ang oras ay ginto.
    
-> Ang ginto ay itinuturing na mahalaga, gayon na din ang oras.  Ang oras ay napakahalaga at sa bawat segundong pumapatak kailangan nating pahalagahan.


Marka : 81

Repleksyon:

Tanggap ko ang nakuha kong marka sapagkat hindi ganoon kahasa ang aking kakayahan sa pagsusulat sa wikang Filipino.  Hindi rin kasi ako marunong umintindi ng mga bagay-bagay lalo na pag ito ay nakasaad sa tagalog.  Mahina ang abilidad ko pagdating sa pag-intindi at pag-analisa ng maraming bagay kaya tama lang ang marka na aking natanggap. :D :D :D

 

Artifact #3

Filed under: Artifact — jioseventeen @ 9:40 umaga

Paglakas ng Piso’t ekonomya, isa lamang PROPA!

Tumaas ang per capita income ng Pilipino, mula $1,000.oo nung 1990, umabot daw ito ngayon sa $1,400.oo. Dahil dito, nakahanay na raw ang Pilipinas sa Ikalawang Daigdig (2nd world), wala na tayo sa Ikatlong Daigdig? Na-upgrade din daw ang credit rating ng bansa at sa susunod na taon, inaasahang magiging positibo raw ang rating ng Pinas sa pandaigdigan labanan sa utangan. Tumaas din daw ang gross international reserves ng bansa, mula sa $21.54 billion nuong Agosto, umabot ito ng $21.54 bilion. Ayon sa Central Bank, ito na raw ang pinakamataas na reserba sa loob ng ilang taon at kung magpapatuloy ang ganitong tendensiya ng Piso, hindi mangingiming mamili na ito ng dolyar sa palengke.

Bukod sa matutuwa ang mga importer, makikinabang daw ang ating bansa sa mga pinagkakautang natin (IMF-WB) sa labas dahil liliit ng ilang bilyon dolyar ang mga ito (hal. mula sa dating $53.0 bilyon na utang, magiging $49.0 bilyon na lamang). Ayon sa Malakanyang, pinapatunayan lamang na “wasto’t epektibo ang patakaran at direksyong pang-ekonomiyang ipinatutupad nito.

Mas regular na akong nagco-commute patungo’t-pauwi sa paaralan. Lumiit ang bilang ng grocery bags at prequency ng bilang na aming pinamamalengke. Kung dati-rati’y 8 na grocery bags, ngayon ay 4-5 na lamang. Kung dati-rati’y dalawang beses kada linggo (twice/weekly), ngayon ay tatlong beses na lamang kada buwan (thrice / monthly) ang pamamalengke. Para lubusang makatipid ng kuryente at LPG, mas regular na kaming bumibili at nagpapabalot (take out) ng ulam, pagkain sa restaurant.

Paminsan-minsan, nag-uukay ng ilang damit at bumibili ng pirated DVD. Ang isa pang palatandaan, mas dumadami na ang gipit at nangungutang (P500 – 1,000) sa’min kumpara nung mga ilang taon. Paano na si Mang Pandoy at yung mga walang trabaho?

Sinong sira ulong magsasabing umuunlad na ang country, gumaganda ang ekonomiya ng country, dahil lamang sa “lumalakas na ang Piso”?

Ang pinagmamalaking mega-projects-infrastructure ng gubyerno tulad ng MRT 5 at 7 (Quiapo-Commonwealth-San Jose del Monte), kung ‘di man super delay na ng isang dekada, mukhang bangungut at panaginip na lamang maipapatupad. Gusto pa tayong engganyuhin at goyoin nung SONA power point presentation ng super regions!

Kahit bumaybay tayo sa timog at hilagang Manila, halos wala tayong nakikitang may mga bagong itinatayong industriya-pabrika at alam natin, lumilipat, nagsisilikas sa Vietnam, China ang mga industriya sa Pinas. Ang totoo at walang kaduda-duda, humina at naghihingalo ang industrial at manufacturing output ng ating ekonomya ng bansa. Kung ikukumpara sa mga karatig bansa sa Asia, kulelat ang ‘Pinas sa larangan ng pag-aatract ng mga mamumuhunan at pagke-create ng CAPITAL mainly mula sa industria at pag-eexport.

Mahigit apat hanggang limang libong Pinoy/pinay (4-5,000) ang kapit sa patalim lumilisan araw-araw upang maging OFW. Pangatlo tayo sa Asia na may pinakamataas na singil sa kuryente! Mga bagong graduate (engineer, nurse, duktor, propesyunal) na walang mapasukan ay nagtyatyaga na lamang sa Call Center. Iyan ba ang sinasabi n’yong kaunlaran?

Ang insidente ng Karalitaan ay lumagpas na sa 50%, ang average family income ay patuloy na bumubulusuk, lalampas na sa 10% ang unemployment rate at inflation rate! Patuloy na nabibinbin at kinukurakot ang mahigit P17 bilyong pension ng mga retiradong sundalo at empleadong gubyerno.

Totoong lumalakas ang Piso vis-a-vis sa dolyar, ito’y dahil, humihina ang dolyar sa pandaigdigang palitan ng lahat ng currency ng mundo. Dahil pa sa panloob na supply at demand, meaning may kaunti tayong itinatagong reserbang dolyar at mahina ang demand at pangangailangan sa dolyar. Ito’y sa kadahilanang mayroon tayong walong milyong OFW na nagreremit ng $15.0 billion kada taon.

Kung totoong gumaganda ang ekonomiya, bakit matumal ang bentada at inbentaro ng ating mga retailers at whole saler. Magmasid ka sa SM at bubulaga ang tunay na katayuan ng palengke-shoping mall, ng mamimiling Pinoy, ang kalagayang walang pambili at pamamasyal ang pakay.

Mas makakasira pa nga sa ekonomya ang paglakas ng Piso lalo sa hanay ng mga nag-eexport, sa industriyang Pinoy at OFW. Dahil sa tindi ng kompetisyon sa karatig bayan, ilang bilyong dolyar ang nanganganib na masawata at malugi dahil bukud sa hihina at magmamahal ang ating inululuwas na produkto, magmumura naman ang mga ini-import nating mga yaring produkto mula sa ibang bansa.

Wala ring katotohanan ang sabihing tayo’y na sa Ikalawang Daigdig (2nd world) na o nasa middle class na kategorya ng pag-unlad sa mundo. Ang alam ko lang, mga dating sosyalistang bansa ang bumibilang sa second world na ang karamihan ay matatagpuan sa Silangang Europa at komunistang bansa sa Asia. Sila ang mga bansang may centrally planned economies kung saan ang gubyerno, ang estado ang siyang nagmamay-ari ng MEANS of Production. Kabaligtaran sa ipinatupad na “free market” sa Pinas na kung saan ibinandila nito ang privatization, liberalization at deregulation na patakaran sa ekonomya.

Hindi na tayo nahiya sa China, sa bansang Brazil, Malaysia at India, bukud sa napaka-ulad at patuloy na umiinit sa pag-unlad, hindi nagmayabang umakyat na sa middle class (2nd world) na kategorya, ang Pilipinas pa.

Ang sigurado, itinuturing at ipinagmamalaki ni Ate Glo na isang super maid, super katulong ng mundo ang Pinas, ‘di lang yun, sikat tayo sa pagiging magna cum laude sa Asia sa larangan ng pangungurakot!

In terms of science, technology at mathematics, milya-milya na ang agwat sa’tin ng China, Japan, S.Korea, India, Pakistan, Singapore, Taiwan at Malaysia, maski pa sinasabing ang huhusay nating mag-ENGLISH. Pang-world class na ang kanilang napro-produce na estudyante habang tayo’y nagyayabang na COMPUTER HACKERS at CALL CENTERS! Pumapang-anim (6th) ang South Korea sa produksyon ng automobile sa buong mundo at ang Taiwan ay pumapang-walo (8th) sa dollar reserves!

Habang ang Metro Manila ay may tatlong dekada ng binabagabag sa traffic (tatatlo palang ang linya ng MRT), agad naman itong naresolba sa Bangkok, kilalang pinakama- traffic sa buong mundo. Paano nangyari yon? Subway lang naman, dobleng ulit na linya ng MRT at ilang mahahabang skyway (fly over) mula airport hanggang downtown Bangkok.

Mas kapani-paniwala pa ng ilang libong beses si dating NEDA Sec. Cielito Habito ng sabihin nitong , “malabnaw” at abnormal ang paglaro’t kalagayan ng ating ekonomiya. Wala siya sa hulog, hindi balansyado o hindi pantay ang naging mga economic gains ng ating bansa. Umuunlad nga daw ang ekonomiya at lumalaks ang piso pero tuloy ang kawalan ng trabaho, kaso ng gutom, at kawalan ng sigla sa pamilihan. “An economy of contradictions” ang lumalabas na larawan ng ekonomiya ngayon.

Marka: 96


Repleksyon:

Natutuwa ako sapagkat ito ang artifact ko na may pinakamataas na marka hanggang sa kasalukuyan.  Pinaghirapan ko ang artifact na ito kaya’t lubos na ikinatutuwa ko ang natanggap kong marka.  Dahil mahaba na ang artifact na ito, hindi ko na kayang pahabain pa ang aking repleksyon.

 

Artifact #2

Filed under: Artifact — jioseventeen @ 9:35 umaga

Wikang Filpino – Ating Isulong

Kailangan ng Pilipinas na megaton ng mga mamamayang Pilpino na marunong magmahal sa sariling wika upang hindi na matuloy ang pagtigil sa paggamit ng wikang ito sa pagtuturo sa mga paaralan.

Samakatuwid, ang kakayahan ng isang mamamayan na magmahal sa sariling wika at ipaglaban ang kanyang paninindigan ay nakasalalay sa kanyang mga kapwang ipinaglalaban ang paninindigang ito. Ang wikang Filipino ay marapat na ituro sa mga paaralan sapagkat karamihan sa mga kabataan ay mahina o hindi kayang umintindi ni wikang Ingles.

Kung gayon, tayong mga mamamayang bahagi ng bansang ito ay kailangang unawain ang napakahalagang papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa pagpapatuloy at pagpapaunlad ng ating bansa. Huwag nating ipasok sa ating isipan kung ano ang makukuhang benepisyong pribado sa paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo sa mga paaralan. Kung ganito ang ating iisipin, tuluyan nang tatanggalin ang wikang Filipino at mahahadlangan ang pagsagot sa mga pangunahing layunin ng DepEd dahil sa mababang porsyento ng mga kabataang nakaiintindi ng Ingles. Dapat na tandaan na walang pribadong benepisyong magbibigay sa atin ang pagtanggal sa paggamit ng sariling wika.

Ito ay para sa kagalingang panlipunan at hindi pang indibidwal. Pahirap man ang pag-aaral sa wikang Filipino para sa ibang kabataan sanay sa pagsasalita ng Ingles, ito nama’y kailangan ng mas nakararaming kabataan tungo sa matatag na estado ng edukasyon.

Marka: 92


Repleksyon:

Natutuwa ako hindi dahil mataas ang aking marka na nakuha.  Maganda ang naging kalabasan ng artifact na ito kahit ginawa ko ito ng inaantok ako.    At hindi man ganoon kaayos ang artifact na ito, ay naglakas loob pa rin ako na ipasa ito.  Wala na akong maisip na isulat bilang repleksyon kaya hanggang dito na lang. haha.

 

Artifact #1

Filed under: Artifact — jioseventeen @ 9:08 umaga

… wala eh … pasensya.  Hindi ko ata napasa.  Inutusan ata ako ni Sir Hernandez na magpa-xerox ng something nun eh.  Nakalimutan ko ipasa.  Ihahabol ko na lang po. :D

 Pasensya na po talaga.

 

ika-3 ng Oktubre 2006 Oktubre 26, 2006

Filed under: Artifact — jioseventeen @ 6:52 umaga

Artifact[4]

Marka: 89

Repleksyon

Naipakita ko sa artifact nito ang aking kakayahan sa pagguhit.  Nagustuhan ko ang artifact na ito sapagkat maganda ang aking naiguhit at malinis ang aking pagkakagawa.  Nagustuhan din ito ng isa ko pang kaibigan kaya ito ay lubos na ikinatutuwa ko. :D

~seiizuki 4 days 11 hours ago 

waw, Jio, that’s really cool!! D

 

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.